Home HOME BANNER STORY Rollback sa huling linggo ng Hulyo gugulong

Rollback sa huling linggo ng Hulyo gugulong

148
0

MANILA, Philippines- Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bago pa man matapos ang buwan ng Hulyo na magiging epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P0.75 sa kada litro ng gasolina, P0.85 sa kada litro ng diesel at P0.80 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price rollback din sa presyo ng mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipatutupad ng alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipatutupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here