NAGUILLAN, Isabela – Isinelda ng pulisya ang akusado na tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa probinsya ng Isabela matapos mahuli sa isinagawang warrant of arrest sa Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Ferdinand Datul, hepe ng Naguillan Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, kinilala ang suspek na si alyas Dan na nahaharap sa kasong Qualified Statutory Rape.
Naaresto ang nasabing suspek sa pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng Isabela sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inisyu nitong Hulyo 10, 2024 sa kasong nabanggit na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at naaayong disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco