Home METRO Mister na pumatay sa sariling anak tinangkang magpatiwakal sa loob ng selda

Mister na pumatay sa sariling anak tinangkang magpatiwakal sa loob ng selda

117
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Tinangkang magpakamatay ang mister na brutal na pumaslang sa kanyang nag-iisang anak na high school student sa tugu

Naagapan lamang ang planong kitilin ang buhay ng suspek na si Jude Ballad, 34-anyos na noon ay nasa loob ng CR sa detention cell ng Tuguegarao City Police Station.

Nadatnang nakaupo sa toilet bowl ang suspek at duguan ang leeg habang hawak nito ang isang kutsarang putol ang hawakan.

Agad isinugod ito sa CVMC kung saan may sugat sa kanyang leeg at kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Sinasabing labas-pasok sa CR ang suspek at binubuksan ang gripo ng tubig hanggang sa matunugan na iba na ang ginagawa nito.

Nagkataon umanong sa oras na iyon, nagcheck-up si PLtCol. Pepito Mendoza, hepe ng Tuguegarao City Police Station sa suspek kaya naagapan ang planong pagkitil sa buhay ng bilanggo na nahaharap sa kasong Parricide dahil sa pagpatay sa 15-anyos nitong senior high school na anak. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here