Home METRO 2 nasagip sa nasunog na lab clinic; P1.5M pinsala naitala

2 nasagip sa nasunog na lab clinic; P1.5M pinsala naitala

175
0

MANILA, Philippines- Dalawang katao ang nasagip mula sa nasunog na gusali sa tapat ng Philippine General Hospital (PGH) matapos ma-trap sa ika-limang palapag nitong Linggo ng gabi.

Naisugod sa PGH ang mga biktima na wala nang malay nang maibaba ng mga bumbero mula sa madilim na gusali.

Ayon kay SFO4 Anabelle Padilla, Paco Fire Station commander,  suffocation o pagkalanghap ng usok nang ma-trap ang dalawa sa ika-limang palapag ang sanhi ng kawalan nila ng malay.

Nagsimula ang sunog sa ika-apat na palapag ng gusali na isang laboratory clinic.

Ayon kay Padilla, Ang ika-apat na palapag lamang ang napinsala.

Tinatayang nasa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala sa natamo sa sunog na nagsimula ng alas-8:56 ng gabi nitong Linggo na umabot lamang sa unang alarma.

Idineklara ang fire out ng alas-10:34 ng gabi.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here