MANILA, Philippines- Iimbestigahan ng House Committee on Public Order and Safety ang posibleng criminal activities sa online gaming kasunod ng pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chairman Dan Fernandez, sa Martes, Hulyo 30 ang ikalawang pagdinig ng kanyang komite kasama ang House Committee Games and Amusements ukol sa POGO maging ang iba pang online gaming ay kanila ring susuriin.
“As far as I know, right now, Wala pa akong na re-receive na data on criminal activities in relation to online gaming.. If ever, sa susunod na hearing, we will be passing also ‘yung ating Philippine National Police) to give us the details about doon sa online gaming,” pahayag ni Fernandez.
“Kung sakali makita natin na mataas rin ang statistics ng mga criminal activities involving that kind of game, then I think kailangan na rin natin isara ‘yan,” dagdag pa nito.
Kasabay ng kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na ipagbawal na ang POGO, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na inihahanda na ng Kamara ang pagbalangkas ng panukala para sa pag ban mga POGO. Gail Mendoza