Home ENTERTAINMENT Nadine at jowa, nagtayo ng resto sa Siargao!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Nadine at jowa, nagtayo ng resto sa Siargao!July 29, 2024 12:111410 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Siargao, Philippines- Tulad ni Andi Eigenmann, adopted daughter na rin ng Siargao island si Nadine Lustre.Much of it is thanks to her fiancè Christophe Bariou who runs a business there.Muli na namang pinasok ng magkasintahan ang pagnenegosyo.Matatandaang October last year nang mag-venture sina Nadine at Christophe sa wine business.This time around ay restaurant business naman ang kanilang itinatag.Bale lumalabas na nag-branch out ang kanilang Verde resto sa Puerto Princesa which they opened in 2022.Dinala nila ito sa Siargao bearing the same business name.Kakalba in the sense na healthy ang mga isine-serve doon which are mainly plant-based dishes.Ang maganda pa, suportado ni Andi ang negosyo ng couple.“I can’t wait to eat there!” excited na post ni Andi na tinugunan naman ni Christophe na naroon daw siya on most days to personally attend to Andi.Taong 2018 noong manirahan si Andi sa isla with her partner Philmar Alipayo.Sa paglipas ng panahon, nakapagpatayo rin ang magpartner ng surfing school at snack bar doon.Himself a surfing champion, nakahiligan na rin ni Andi at ng kanilang dalawang anak ang naturang water sport ni Philmar.For Andi, wala siya ni katiting na regret na ipinagpalit niya ang kanyang showbiz career for a quiet, blissful island life.Samantala, tuloy pa rin si Nadine with her showbiz career as a Viva artist. Ronnie Carrasco III