Nasa 122 indibiduwal ang naaresto ng pulisya matapos makasamsam ng kabuuang P2,694,106.24 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Region 3.
Sa report ni PRO3 director PBGEN Jose Hidalgo Jr, nahuli ang mga suspek sa 85 ikinasang operation ng mga pulis sa ibat-ibang panig ng Region 3 simula nitong Hulyo 22 hanggang Hulyo 28 taong kasalukuyan.
Ayon sa report, nakumpiska sa mga operasyon ng pulisya ang 202.17 grams ng shabu at 10,994.34 grams ng dried marijuana na aabot sa halagang P2,694,106.24.
Sinasabing hindi tumigil ang operasyon ng pulisya kontra iligal na droga sa buong Region 3, partikular sa lalawigan ng Bulacan sa kasagsagan ng Bagyong Carina.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyon o himpilang humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)