IPINAALALA ng National Capital Region Police Office hierarchy sa mga tauhan nito na mas bigyang prayoridad ang pagbibigay ng kaluwagan sa trabaho sa mga solo parent o single parent.
Sa Monday Flag Raising and Awarding Ceremonies ng NCRPO na pinangunahan ng regional director nito na si PMGen Jose Melencio Nartatez Jr., binigyang diin s pagpapatupad ng guidelines ang pagbibigay ng atensyon sa duty ng mga tauhan nito na solo o single parent.
Hindi lang mga pulis na solo o single parent ang makikinabang sa pagduty sa trabaho kaugnay sa batas sa iisang magulang subalit maging ang mga non-uniformed personnel ay nais ring pagaanin ang trabaho lalo na sa pagduty.
Kailangan ng solo o single parent na asikasuhin ang kanilang mga anak na magsisipasok sa paaralan ngayong simula na ng klase para sa school year 2024-2025.
Mahirap para sa solo parents ang asikasuhin ang kanilang mga anak nila dahil sa kawalan ng katuwang na mag-aasikaso. Kailangan ng mga bata ng tamang paggabay upang hindi ang mga ito maligaw ng landas. Lea Botones