MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang mga aftershocks matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani ay maaaring tumagal ng ilang linggo o kahit umabot ng isang buwan.
Ayon kay Phivolcs science research specialist Winchelle Sevilla, patuloy na makakaranas ang mga apektadong lugar ng maraming aftershocks, karamihan ay mahina, ngunit posible pa rin ang mas malalakas.
“So, far ang pinakamalakas na na-record nating aftershock, based sa ating automatic solution, ay magnitude 6.7,” ani Sevilla.
As of 11 a.m., umabot na sa 138 aftershocks ang naitala ng ahensya.