Home NATIONWIDE NBI: Guo nasipat sa Bulacan

NBI: Guo nasipat sa Bulacan

179
0

Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Senado nitong Lunes na may nakakita kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Bulacan bago ang paglabas ng kanyang arrest order.

Ginawa ni NBI assistant Dircetor Angelito Magno sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa pagsalakay sa POGO hubs habang ginisa ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estreada ang law enforcement agencies sa kabiguang maaresto si Guo gayung inilabas ang arrest order dalawang linggpo na ang nakalipas.

Dahil dito, binantaan ni Estrada ang NBI at Phlippine National Police na tatapyasan ang kanilang badget kapag nabigong maaresto si Guo.

“If you cannot arrest her within a month , baka maapektuhan ang budget ninyo”, sinabi ng senador kay Magno.

Idinagdag pa ni Estrada na maging sa PNP ay tatapyasan din dahil hindi aniya sila makakapaghintay .

“Mahina ang intelligence ninyo ‘pagka ganon” ,ani Estrada.

Giit ni Estrada, kailangan may tamang koordinasyon ang nasabing mga ahensya sa lahat ng law enforcement agencies dahil sa bahagi aniya ng Senado- ang Senatre Sergeant-at-Arms (OSAA) ay hindi naman kasing powerful ng nabanggit na mga ahensya na lahat ng resources ay nasa kanila.

Sinagot naman ni Magno si Estrada na gagawin ng NBI ang kanilang makakaya upang maaaresto si Guo.

Ayon kay Magno, ang arrest order ay naipakalat na sa mga regional at district offices ng NBI.

Sinisikap din ng NBI Cybercrime Group na mahanap ang IP address ni Guo matapos siyang magpost ng pahayag sa kanyang Facebook pages.

Sa panig naman ng PNP, sinabi ni Police Colonel Jun Mark Lagare, chief of staff ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagtalaga na sila ng tracker team sa kanilang regional field units para hanapin si Guo.

Nauna nang sinabi ng Bureau of Immigration (BI) bago magsimula ang senate hearing na si Alice Guo o Guo Hua Ping ay nasa Pilipinas pa hanggang kaninang umaga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here