MANILA, Philippines – Naglaan ng P4.56 bilyong pondo para sa confidential at intelligence funds (CIF) sa opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa panukalang P6.35 trillion national budget para sa 2025 o National Expenditure Program (NEP).
Batay sa mga dokumento ng NEP, ang P4.56 bilyon ay hinati para sa confidential fund at intelligence fund ng OP.
Ang panukalang confidential at intelligence fund (CIF) para sa Opisina ng Pangulo ay kapareho ng badyet ngayong 2024.
Dagdag pa, mayroon ding P7.8 bilyong pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2025 budget.
Saad sa NEP documents na ang P7.8 bilyong pondo ay susuporta sa Barangay Development Program ng anti-communist body. RNT/JGC