Home ENTERTAINMENT Jolina, binaligtad ng scammer!

Jolina, binaligtad ng scammer!

Manila, Philippines- Nagtutumili ang social media post ni Jolina Magdangal: “SCAMMER!”

Eksaktong detalye na lang ang kulang pero mahihinuhang biktima ang Magandang Buhay host ng scam.

Bale ba, “wais” ang scammer dahil inunahan siyang mag-post to the point na binaligtad pa nito ang kuwento.

Post ng scammer, si Jolina pa nga raw ang nangungutang ng pera sa kanya.

Dahil dito’y napilitan nang mag-isyu ng babala ang TV host-actresd through her post.

Ani Jolina sa kanyang scam alert: “Hindi totoong nangungutang ako ng pera!”

Kasabay nito’y winarningan ni Jolina ang kanyang mga kakilala’t kaibigan na i-block agad ang scammer na ‘yon.

Hindi na bago ang pambubudol na ito na laganap sa social media.

Minsan nang nabiktima ang film director na si Joel Lamangan nang ma-hack ang kanyang Facebook accout last year.

Pinalalabas ng nagpakilalang “Joel Lamangan” o poser na nangungutang siya ng pera.

It sounded believable dahil nun’g time na ‘yon, direk Joel had to raise funds para tustusan ang kanyang heart operation thaf cost him millions of pesos.

Pero katwiran ni Joel, hindi raw siya ang tipo ng taong mangungutang ng pera.

Mabuti’t inalerto rin agad ni Jolina ang kanyang mga kakilala para maiwasang magbigay ng perang “inuutang” ng aktres. Ronnie Carrasco III