Home ENTERTAINMENT Kathryn, nasa Canada na!

Kathryn, nasa Canada na!

Canada – Nitong July 26 ang matiwasay na paglapag ng Canada-bound plane lulan si Kathryn Bernardo.

Kathryn took to Instagram para i-post ang kanyang mga larawan captioned: “Hello from Canada!”

Ang pagbiyahe ng Kapamilya actress ay para sa shoot ng Hello Love Again, sequel ng Hello Love Goodbye nila ni Alden Richards.

Balitang tatlong linggo ring aabutin ang filming doon.

Hindi kasi maaaring ma-extend ang shoot nito dahil kapwa abala sina Kathryn at Alden with their respective commitments.

Upon return, tututukan ni Alden ang pagte-tape for Pulang Araw.

Samantala, Kathryn is set to get her first period movie started.

Hello Love Goodbye follows the story of Ethan and Joy, kapwa struggling overseas Pinoy workers na nagkakilala’t nagkainlaban sa Hongkong.

Five years later ay muling magkukrus ang kanilang landas, this time sa Canada.

Showing na ang Hello Love Again sa November 16.

Ito’y collab between Star Cinema and GMA Pictures. Ronnie Carrasco III