MANILA, Philippines – Itinama ang voting record sa ikatlo at huling pagbasa para sa pag-apruba sa panukalang Absolute Divorce Bill sa plenary session ng Kamara nitong Lunes, Hulyo 29.
Ayon kay House Senior Deputy Speaker at Pampanga lawmaker Aurelio Gonzales, Jr., ang final validated result para sa nominal voting ay 126 ‘yes’ votes, 109 ‘no’ votes at 20 abstentions.
Sa pinakaunang voting record ay naitala ang 131 affirmative votes.
“In view thereof, let the records reflect the said result,” ani Gonzales.
Wala naming kumontra sa hakbang ni Gonzales sa plenaryo. RNT/JGC