Home NATIONWIDE Ex-PNP chief Albayalde handing humarap sa ICC

Ex-PNP chief Albayalde handing humarap sa ICC

146
0

MANILA, Philippines – Handang humarap si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa International Criminal Court (ICC) sa umano’y mga drug war deaths sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang tugon ni Albayalde ay ang mga umano’y dokumento ng ICC na nag-uugnay sa kanya, at iba pang mga police at government officials, bilang suspek sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng ICC sa drug war ng Duterte administration.

“Kung talaga pong ganyan ang kahihinatnan ng ating serbisyo sa publiko for more than 37 years, then handa po tayong harapin,” sinabi ni Albayalde.

“Handa po natin harapin ang hamon na yan,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, duda ang dating PNP chief sa authenticity ng ICC document na nag-uugnay sa kanya sa mga pagkamatay.

“We don’t know if that’s authentic. Would the ICC even allow the release of such document. I think the ICC should also speak on this,” sinabi pa ni Albayalde.

“If your human rights are being respected here, it’s just right that you have to receive communication concerning such ICC documents,” dagdag pa.

Nababahala umano siya sa mga alegasyon.

“It is a concern on the part of my family,” sinabi ni Albayalde.

“And hopefully, I hope that the ICC won’t allow itself to be used in politicking.”

Tiwala naman ang opisyal na maninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkilalang walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

“[Ang] matibay nating pinaniniwalaan dyan ay iyong pronouncement, salita ng ating Pangulong Marcos…na sinabi po niya na hindi talaga niya pababayaan manghimasok yung ICC sa ating bansa dahil meron po tayong perfectly functioning justice system,” ani Albayalde.

“Dito po sa ating bansa, isang malaking sampal po yan sa ating sovereignty at mga sampal din yan sa ating mga justices dahil meron po tayong batas dito sa ating bansa,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here