Home HOME BANNER STORY Parak patay sa sinitang menor de edad

Parak patay sa sinitang menor de edad

92
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis matapos barilin ng 16-anyos na menor de edad na sinita dahil sa paglabag sa curfew sa Mandaue City, Cebu.

Ayon sa ulat, kinilala ang biktimang pulis na si Police Staff Sergeant Orvin Seth Felicio, nakatalaga sa Police Station 5.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang off duty noon si Felicio nang madaanan ang mga barangay tanod na naninita ng mga kabataan sa P. Remedios Street, Barangay Banilad na lumabag sa curfew ordinance nitong Sabado ng madaling araw.

Kinausap ng biktima na nagpakilalang pulis ang suspek para umuwi na ngunit sa halip na sumunod ay bumunot ito ng kalibre .38 baril at pinaputukan ang pulis sa ulo.

Nasawi si Felicio haabang nakatakas naman ang suspek.

Kalaunan ay sumuko rin ang suspek na miyembro umano ng isang gang ng mga kabataan.

Aniya, natakot umano siyang makulong nang sitahin dahil may bitbit siyang baril.

Dinala ang suspek sa social welfare office at sasampahan ng reklamong murder. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here