Sa ikalawang pagkakataon, muling nakatanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ng Unmodified Opinion remarks mula sa Commission on Audit (COA) para sa financial statement noong nakaraang taong 2023 sa pamumuno ni Gobernor Doktora Helen Tan.

Ito ay bunsod na rin ng pagsusumikap ng goberndora na maisulong ang malinis at mabuting pamamahala sa lalawigan ng Quezon.
Matatandaang natanggap din ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong Hunyo 2023 para naman sa financial statement ng taong 2022.






