UMABOT sa 600-katao ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa pondo ni Senator Francis “Tol” Tolentino sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Martes ng umaga sa Barangay 123 Moriones sa Tondo, Manila.
Layon ng programang AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya at indibiduwal mula sa hindi inaasahang pangyayari, tulad ng nagdaang hagupit ng bagyong Carina.







