Home NATIONWIDE Fish samples mula Bataan, pumasa sa sensory analysis sa oil spill

Fish samples mula Bataan, pumasa sa sensory analysis sa oil spill

154
0

MANILA, Philippines – Nakapasa sa sensory analysis ang mga fish sample mula sa Bataan, sa pag-aaral na isinagawa ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

Sa kabila nito, isinasagawa pa rin ang third-party tests para rito.

Ayon sa BFAR, nakapasa sa sensory analysis ang lahat ng sample ng isda mula Limay, Orion, Balanga City, at Samal para sa taste, raw at cooked odor.

“The DA-BFAR closely monitors catch landings to ensure that unloaded catch has no traces of oil, as well as conducts sensory analysis of fish samples from surrounding waters,” saad sa pahayag ng BFAR.

“Succeeding tests with third-party laboratories for the presence of oil and grease, and harmful contaminants called polycyclic aromatic hydrocarbons (PAHs) will also be carried out,” dagdag pa nito.

Nanawagan ang BFAR sa lahat ng mga mangingisda na iulat kung mayroong sightings ng oil slick, iwasan ang mga kontaminadong lugar, at gumamit ng
personal protective equipment kung kinakailangan.

Agad din umanong hanguin ang mga shellfish o isda upang maiwasan pa ang mas matinding kontaminasyon.

Matatandaan na lumubog ang MT Terranova noong Hulyo 25 sa 3.6 nautical miles silangan ng Lamao Point, Limay, Bataan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here