MANILA, Philippines – Nanggalaiti ang mga pasahero ng EDSA bus carousel matapos na salubungin ito ng isang SUV sa EDSA busway nitong Linggo, Hulyo 28.
Ayon sa ulat, tumangging umatras ang drayber ng SUV at nakipagmatigasan pa ng ilang minute.
Ilang beses ding binangga ng SUV ang railings ng EDSA busway.
“Siguro bago siya umatras po ano eh mga two minutes pa siguro bago siya umatras po eh. Parang gusto niya, ibig sabihin niya parang kami pa siguro ‘yung may mali,” sinabi ng bus driver na si Ace Babina sa panayam ng GMA News.
“Mga 15 minutes po ma’am, hindi sya marunong umatras. Minsan naga-gutter siya. Yung mga pasahero, yung iba nagalit na kasi male-late na sila eh,” ayon naman sa konduktor ng bus.
Dahil mayroong ilang emergency entrances at exits sa EDSA Busway, apektado rin ng insidente ang isang bus at ambulansya.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Inter-Agency Council For Traffic Task Force sa insidente.
“Itong may ari ng sasakayan nagsabi na galing syang gimik, medyo nakainom po siguro ito. And based on info that we were able to gather, lumagpas po sya sa pupuntahan nya which is going BGC kung saan sya umuuwi, nagulat sya lumapas sya so he saw an open barrier which napagkamalannnyang u turn slot going back to Guadalupe,” pahayag ni MMDA Special Operations Strike Force Officer-in-Charge Gabriel Go.
Multang mula P5,000 hanggang P30,000 ang kahaharapin ng drayber ng mga sasakyang illegal na papasok sa EDSA busway.
Posibleng ring bawiin ang lisensya ng drayber ng SUV. RNT/JGC