Home NATIONWIDE Bong Go umayuda sa TODA workers sa Pila

Bong Go umayuda sa TODA workers sa Pila

135
0

MANILA, Philippines- Adopted son ng CALABARZON region, bumisita at umayuda si Senator Christopher “Bong” Go sa mga displaced workers, kinabibilangan ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Pila, Laguna nitong Lunes. 

Sa pagbisita ni Go, ipinagkaloob din sa kanya ng lokal na pamahalaan ang titulong “adopted son ng Pila”.

“Sa gitna ng ating mga pagsubok, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong suporta at pag-asa para sa inyong lahat. Ang pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga programang pro-poor upang matulungan ang bawat isa sa inyo, lalo na ang mga nawalan ng trabaho,” ayon sa tinaguriang “Mr. Malasakit”.

“Bilang isang senador, may pangunahin akong tungkulin para sa aking mga kababayan — mula legislation, constituency at representation. Ngayon, nandito ako upang mas maipalapit pa sa inyo ang tulong… kami ay narito upang sumuporta at magserbisyo sa inyo,” dagdag niya.

Idinaos sa Municipal Gymnasium, pinasaya ni Go at ng kanyang Malasakit Team ang 508 displaced workers nang bigyan sila ng tulong sa pamasahe, meryenda, food packs, bitamina, kamiseta, basketball, at volleyballs. Mayroon ding nakatanggap ng bisikleta, relo, mobile phone, at sapatos.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Sen. Go sa mga lokal na opisyal at sa Department of Labor and Employment (DOLE), nagsagawa sila ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program orientation para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Pinuri at pinasalamatan ng senador ang DOLE sa kanilang maagap na pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mahihirap at displaced workers. Ang TUPAD program na pinasimulan ng DOLE at sinusuportahan ni Go, ay nagbibigay ng emergency na trabaho at oportunidad sa kabuhayan sa mga nawalan ng kayod o pinagkakakitaan dahil sa krisis.

Bukod dito, inihain din ni Go ang Senate Bill No. 420 upang magtatag ng short-term employment program para sa eligible individuals mula sa underprivileged households. Kung magiging batas, ito ay lilikha ng Rural Employment Assistance Program (REAP) upang magbigay ng temporary employment opportunities sa mga indibidwal na naghihirap, nawalan ng tirahan o seasonal workers.

At para mas mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, co-author at co-sponsor din si Go sa Senate Bill No. 2534 na layong itaas ang daily minimum na sahod ng P100 sa buong bansa.

Kinilala at pinasalamatan ni Go ang mga opisyal ng Laguna na dumalo sa okasyon sa kanilang walang patid na suporta sa kanilang mga nasasakupan, kabilang sina Mayor Edgardo “Egay” Ramos at kanyang anak na si Miko Ramos. Dumalo rin si Ms. Lorena Gacosta ng DOLE.

Noong araw ding iyon, dumalo si Go sa inagurasyon ng Pila Municipal Hall na kanyang sinuportahan upang mapondohan at muling namahagi ng tulong sa mahihirap na residente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here