MANILA, Philippines- Nagsagawa ng kilos-protesta at pagsunog ng bandila ng Amerika sa Camp Aguinaldo sa Quezon City ngayong Martes, Hulyo 30, kasabay ng pagbisita nina U.S. Secretary of State Antony Blinken at U.S. Secretary of Defense Lloyd Austin para sa isang consultation dialogue kasama ang kanilang Philippine counterparts.
Inihayag ng mga raliyista ang oposisyon sa dayalogo, kung saan iginiit nitong paiigtingin ng U.S. military intervention sa Pilipinas ang tensyon sa China at sa Asia-Pacific region. Danny Querubin