Home METRO Pagluha ng imahe ng Sto. Niño sa Cebu iimbestigahan ng simbahan

Pagluha ng imahe ng Sto. Niño sa Cebu iimbestigahan ng simbahan

168
0

MANILA, Philippines – Iniulat na “lumuha” ang image ng Sato Niño sa Sitio Tayud, Barangay Basak Pardo, Cebu City.

Sa upload video ng netizen na si Camille Rose Carumba,ipinakita na pinupunasan nito ang tula tubig na dumadaloy sa kaliwang mata ng imahe gamit ang kanyang daliri.

Napag-alaman na umuwi na ang may-ari ng imahe sa isang katimugang bayan sa Cebu Province at ipinaubaya ang imahe sa pangangalaga ng isang miyembro ng pamilya.

Sinabi ni Rowena Jose nanisang residente sa lugar na hindi nagtatanggal ang ulo ng imahe na posible sanang panggagalingan tubig o likido kung ito man ay may butas.

“Kung hinimo-himo ra, nabasâ unta ang iyang ulo, wala man,” saad niya.

Ilang residente pa ang nagulat nang makitang may tumutulong tubig sa mata ng image sa unang pagkakataon.

Sinabi ni Roman Catholic Church, Fr. Glenn Therese Guanzon, chairman ng Commission on Worship, na ipapatunay muna nila ang insidente bago sila maglabas ng pahayag.

Ayon sa nag-upload ng video na ang kanyang intensyon ay walang kinalaman sa clout-chasing.

Sinabi ni Carumba na kahit na nakatanggap sila ng mas maraming negatibong reaksyon na kumukuwestiyon sa pagiging tunay ng video, bukas sila sa pagsisiyasat.

Ang clout-chasing, sa social media lexicon, ay may kinalaman sa pag-upload ng video na nilalayong makatawag ng pansin at pagkilala, makakuha ng mga view o star lalo na sa mga platform na kumikita ng content, bukod sa iba pang mga motibo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here