A major incident on Hart Street, Southport after a number of stabbing casualties. Photo by Colin Lane
A major incident on Hart Street, Southport after a number of stabbing casualties. Photo by Colin Lane
SOUTHPORT, England – Nagpaabot ng pakikiramay at nagpahayag ng pagkatakot si U.S. singer Taylor Swift kasunod ng balitang tatlong babae ang napatay at limang iba pang bata ang kritikal na nasugatan matapos ang mabangis na pag-atake sa isang dance event sa hilagang England para sa mga batang tagahanga ng kanyang musika.
Nasa kustodiya ng pulisya ang isang 17-anyos na lalaki dahil sa hinalang pagpatay at tangkang pagpatay matapos ang insidente sa “Taylor Swift yoga and dance workshop” sa Southport, hilaga ng Liverpool, isang summer vacation event para sa mga batang edad mula anim hanggang 11 noong Lunes ng umaga.
Kinumpirma ng pulisya noong Martes na ang ikatlong bata ay namatay bilang resulta ng mga pinsalang natamo sa pag-atake.
Kinalala naman ng pulisya ang mga biktima sa edad na 6, 7 at 9 na taong gulang.
Walo pang bata ang nagtamo rin ng mga saksak at lima ang nanatili sa kritikal na kondisyon. Dalawang matanda din ang kritikal na nasugatan sa pagtatangkang protektahan ang mga batang biktima, sabi ng pulisya. Inilarawan ng mga saksi ang kanilang nakita bilang isang eksena mula sa isang horror film.
Ang kanyang mga tagahanga ay nakalikom ng higit sa 125,000 pounds ($160,000) online upang matulungan ang mga pamilya ng mga biktima at para sa ospital kung saan ginagamot ang ilan sa mga bata.
Samantala, tinawag ng Punong Ministro ng British na si Keir Starmer ang pag-atake na kakila-kilabot habang hindi naman ito itinuturing ng pulisya bilang terorist attack.
Nagpahayag naman ng pagkabigla si King Charles at ang kanyang pamilya sa insidente. RNT