Home NATIONWIDE 2 ‘gang 3 bagyo asahan sa Agosto

2 ‘gang 3 bagyo asahan sa Agosto

234
0

MANILA, Philippines – Asahan ang dalawa hanggang tatlong bagyo na mabuo o pumasok sa loob ng Philippine area of responsibility sa buwan ng Aogsto.

Ayon kay Obet Badrina, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), “Sa buwan ng Agosto, inaasahan natin ang dalawa o tatlong bagyo na mabubuo o papasok sa Philippine area of responsibility.”

Nitong Hulyo, dalawang bagyo, ang “Butchoy” at “Carina” ang nanalanta sa bansa.

Matatandaan na nagresulta pa ng matinding pinsala ang bagyong Carina at ang pinalakas na habagat na ikinasawi pa ng 39 katao.

Sinabi ni Badrina na walang inaasahang bagyo ngayong weekend.

Humina na rin ang habagat at nakakaapekto na lamang sa ilang bahagi ng Luzon.

“Sa ating latest satellite imagery nakikita natin ang pag-iral ng habagat nakikita natin na humihina na ang southwest monsoon magdadala pa din ito ng mas malaking tiyansa ng thunderstorm lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here