MANILA, Philippines – Inilagay sa yellow alert ang Luzon power grid dahil sa pag-trip ng ilang power plants dahilan para maging manipis ang power reserves.
Sa power situation advisory nitong Miyerkules, Hulyo 31, sinabi ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na ang Luzon grid ay isasailalim sa yellow alert mula alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Itinataas ang yellow alert kapag ang operating margin ay mas mababa sa kinakailangang lebel para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.
Ang Luzon grid ay mayroong available capacity na 12,969 megawatts (MW) laban sa peak demand na 11,768 MW. RNT/JGC