Home NATIONWIDE Nigerian national, Pinay tiklo sa illegal na droga

Nigerian national, Pinay tiklo sa illegal na droga

140
0

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang Nigerian national at kinakasama nitong Pinay sa ikinasang anti-drug operation ng National Bureau of Investigation sa Gatchalian Drive, Las Piñas City, nitong Martes, Hulyo 30.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang bulto-bultong hinihinalang illegal na droga na nakadikit sa loob ng mga solar at floodlight sa isang delivery vehicle.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nanggaling sa Las Piñas City ang mga kontrabando at plano sanang ipuslit patungong Nigeria.

“Na-confirm ‘yong [mga kontrabando] ng sniffing dog. Inupuan ng sniffing dog kaya [nalaman] namin na positive,” sinabi ni Santiago sa panayam ng ABSCBN News.

“Napakasamang impression ito na dito na sa atin nanggagaling ngayon. Dati, usually from abroad dadalhin sa Pilipinas. Iba ito. Buti nga nasawata natin agad. Nakakahiya na nanggagaling pa sa atin ‘yang ganyan,” dagdag ni Santiago.

Itinanggi naman ng Nigerian national na wala siyang alam sa mga dalang kontrabando at napag-utusan lamang ng kaibigan na i-deliver ang mga ilaw patungong Nigeria.

Wala rin umanong alam sa transaksyon ang kinakasamang Pinay lalo’t isang buwan pa lamang silang mag-partner na nagkakilala umano dahil sa isang online dating app.

Sinabi ng NBI, matagal na nilang minamanmanan ang galaw ng mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa posibleng mga kasabwat pa.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga nakumpisang ilegal na droga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here