MANILA, Philippines – Patay ang isang 76-anyos na lolo matapos mabanggan ng motorsiklo sa Tigaon, Camarines Sur.
Ayon sa Tigaon police, tumatawid sa kalsada si Romeo Cano, 76, nang mabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Rommel Moresca, 37, ng Barangay Mabalodbalod.
Nagtamo ng pinsala sa katawan si Cano ngunit idineklarang patay sa ospital.
Nagpapagaling naman sa ospital ang drayber ng motorsiklo.
Iniimbestigahan pa ang naturang insidente. RNT/JGC