Manila, Philippines – Diretsahang binansagang walang katotohanan ng manager na si Becky Aguila ang lumabas sa Facebook kaugnay ng ibinebentang bahay umano ng alagang si Jennylyn Mercado sa Taytay, Rizal.
Totoo raw na up for sale ang bahay ni Jen, pero hindi ‘yon located sa Taytay kundi sa Quezon City.
‘Yun mismo ang property na ipinundar ng aktres bago sila nagpakasal ni Dennis Trillo.
Pagkokorek pa ni Becky, baka ang tinutukoy ng mga ahente o broker ay ang bahay nila ni Dennis sa Tanay, Rizal.
Gawa sa mga containers ang resthouse na ‘yon, at hindi for sale.
Kinuwestyon din ni Becky ang maling litratong naka-post sa FB bilang hindi ang mismong property ng aktres.
Maging ang sinasabing presyo nito na P75M ay mali rin.
Ayon kasi sa mga ahente, may dalawang palapag ang bahay.
Meron din daw itong tatlong garahe, swimming pool, driver’s quarters, master bedroom at kung anu-ano pa which according to Jen’s manager are a total lie.
Ang totoo, nakabili raw ang mag-asawa ng dalawang lote sa Tivoli Royale.
Nagsimula na raw ang construction nito kamakailan.
Nais kasi nina Jennylyn at Dennis na tumira sa mas malaking bahay, hence their purchase of two lots.
Ang lakas kasi makarahuyo ng inilabas na ad sa FB kung saan ipinagbabanduhang ang showbiz couple nga ang nagbebenta ng property.
For all we know, baka scam pa nga ‘yon!
Sa panahon ngayon, we never can tell. Ronnie Carrasco III