Home NATIONWIDE Utos ng BI na pagpapatalsik sa POGO workers sa loob ng 60...

Utos ng BI na pagpapatalsik sa POGO workers sa loob ng 60 araw hinarang ng DOJ

97
0

MANILA, Philippines- Binawi ng Department of Justice (DOJ) ang kautusan ng Bureau of Immigration (BI) na mapaalis ang lahat ng mga dayuhang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa loob ng 60 araw.

Ipinaliwanag ni Justice Sec Jesus Crispin Remulla na kailangang magkakatugma ang galaw ng gobyerno sa naturang isyu.

Bukas aniya ay magpupulong ang DOJ kasama ang NBI, Immigration at iba pang ahensya para pag-usapan ang pagpapatupad ng POGO ban na iniutos ni Pangulong Marcos.

Ito ay upang hindi aniya madawit ang Pilipinas sa mga kaakibat na isyu sa POGO ban.

Kasama rito ang pagsasauli ng mga POGO ng pera ng mga kliyente nilang nagsusugal.

Sinabi ni Remulla na kailangang maayos ang pagpapatupad ng POGO ban kasama na ang pagpapaalis sa bansa ng mga dayuhang empleyado nito. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here