Home NATIONWIDE Guo nasa bansa pa – DOJ

Guo nasa bansa pa – DOJ

113
0

MANILA, Philippines- Nananatili sa Pilipinas si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni DOJ Undersecretary at Inter-Agency Council Against Trafficking head Nicholas Felix Ty na ito ay batay sa mga nakukuhang impormasyon ng kagawaran.

Sa gitna na rin ito ng hindi pagdalo ni Guo sa nagdaang preliminary investigation ng DOJ sa mga reklamong isinampa laban sa kanya.

Sinabi pa ni Ty na sa Agosto 6 ay muling magsasagawa ng preliminary imvestigation ang DOJ.

Ito na ang huling pagkakataon para maghain si Guo ng kanyang counter-affidavit.

Si Guo ay inireklamo sa DOJ ay kaugnay sa isyu ng human trafficking sa mga dayuhang empleyado ng POGO. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here