Home NATIONWIDE DBM: Travel budget ni PBBM para sa sunod na taon mas mababa...

DBM: Travel budget ni PBBM para sa sunod na taon mas mababa kumpara noong 2024

109
0

MANILA, Philippines- Pumapalo ang proposed budget para sa travel expenses ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa 2025 sa P1.054 bilyon, base sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Huwebes.

Base sa DBM, ang proposed allocation ay mas mababa ng P94 milyon, o 8 porsyento kumpara sa travel budget ni Marcos noong 2024, na P1.14 bilyon.

“Kung makikita natin dito sa proposal, siguro may mga nabawasang travel both local and foreign,” pahayag ni Budget Secretary. Amenah Pangandaman sa isang Palace briefing.

Subalit, tiniyak ni Pangandaman sa publiko na sa kabila ng mas kaunting paglalakbay,  pananatilihin pa rin ng Pangulo ang layunin nitong makipag-ugnayan sa ibang bansa.

“We still continue to go out, and we market the PH as [an] investment destination tuloy tuloy po ‘yan,” wika ni Pangandaman.

“May mga napirmahan na rin pong memorandum of understanding and agreement ang Presidente, kailangan pa rin po ng follow-ups itong mga ito to ensure na makakarating talaga ‘yung investments na nakalap natin noong nagkaraang taon,” dagdag niya.

Sa kabuuan, ang panukalang budget para sa Office of the President ay P10.446 bilyon, kabilang ang confidential funds na P2.250 bilyon at intelligence funds na P2.310 bilyon.

Mas mababa ang proposed budget ng OP para sa 2025 kumpara sa P10.645 bilyon noong 2024. RNT/SA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here