Home NATIONWIDE Akbayan party: Boses ng oposisyon sa Senado dapat paigtingin

Akbayan party: Boses ng oposisyon sa Senado dapat paigtingin

183
0

MANILA, Philippines- Inilahad ng Akbayan party-list organization revealed nitong Huwebes ang plano nito para sa 2025 midterm national at local elections, na binibigyang-diin ang pangangailangan para sa mas maraming opposition leaders sa Senado.

Inihayag ito ni Akbayan President Rafaela David sa 9th Regular Congress ng partido, kung saan iginiit ang importansya ng pagpapatuloy ng isinusulong nilang adbokasiya at legislative agenda.

“Sisiguraduhin natin na dapat may kasama si Senator Risa Hontiveros sa Senado bilang parte ng demokratikong oposisyon kasi mahalagang may katuwang ang senadora sa kanyang adbokasiya at ipinapasang batas,” pahayag ni David sa isang ambush interview.

Si Hontiveros ang chairman emeritus ng Akbayan.

Nang tanungin kung mayrooon nang inisyal na listahan ang grupo ng senatorial bets, sinabi ni David na pipili ang partido ng mga indibidwal na susuportahan nila.

“Ipo-proseso natin (yan) sa kongreso in the next two days (kung) sino ‘yung susuportahan ng ating partido,” wika niya.

“Pero klaro na inimbitahan natin sa ating pagtitipon ngayong umaga si former Senator Bam Aquino, Senator Kiko Pangilinan, at si Chel Diokno na tayo ay naniniwala ay makakadagdag sa boses ng ating demokratikong oposisyon sa senado,” dagdag ni David.

Bagama’t hindi lantarang sinabi ni David na awtomatikong kasama ang tatlo sa kanilang senatorial lineup, umaasa siya na susuportahan sila ng mga miyembro ng Akbayan party.

Ang tatlo ang inisyal na senatorial candidates ng Liberal Party.

“Klaro sa atin na dapat kapareho ng ating pinaninindigan at pinaglalaban na demokrasya, ang karapatang pantao at gayun din ay ipinaglalaban na isyu ng mga sektor,” giit niya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here