MANILA, Phlippines- Pinangangambahan ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong modus operandi sa pagkuha ng bagong pasaporte sa mga menor-de-edad.
Bunsod ito sa tatlong insidente ng mga batang Vietnamese na nakakuha ng German passport na hinihinalang posibleng kaso ng human traffickig sa mga bata para makapasok ng bansa.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, tila ito na ang bagong kaso ng human trafficking sa mga menor-de-edad na gustong pumasok sa bansa.
Sa ulat, naharang ng Immigration Officers sa NAIA terminal 1 ang dalawang babaeng Vietnamese na tinangkang pumasok sa bansa na nagpanggap na German nationals sakay ng Philippine Airlines flight galing Saigon matapos na magpakita ng German passport at lumabas na nakaw ito.
Ang mga babae na kinilalang sina ‘Diem,’ 15, at ‘Quynh,’ 17, ay nagpakita ng German passports.
“They were look-alikes, but were detected as both German passports prompted a hit in the BI’s Interpol derogatory check system indicating that their travel documents were reported as lost or stolen,” ayon kay Tansingco.
Pero sa bandang huli ay inamin ng mga ito na hindi sa kanila ang German passport kundi ibinigay lamang ito ng isang fixer na nagsabing mas madali umano silang makapasok ng bansa kung gagamit sila ng German passport.
Ang dalawa ay hindi pinayagang makapassok ng bansa at agad na pinabalik.
Samantala, isa pang menor-de-edad na Vitenamese ang nsabat sa NAIA Terminal 1 bago pa man makasakay ng Korean Airlines flight patungong Incheon, South Korea patungo sa kanyang destinasyon sa Toronto, Canada.
Ang bata na kinilalang si ‘Thang,’ 17, ay nagpakita rin ng German passport.
Nang sumailalim sa interview, inamin nito na gumamit siya ng German passport para makasakay at makapasok sa Canada.
Sa imbestigasyon, nakuha ng bata ang pasaporte sa isang website na naka-base sa Europe at nagbebenta ng mga pekeng travel documents.
“It was surprising to hear how easy it was for him to acquire the passport online,” ayon kay Tansingco. “This seems to be another scheme illegal migrants use to be able to secure work abroad,” dagdag pa nito.
Inalerto na ang lahat ng immigration officers sa bagong modus operandi na ito. JAY Reyes