Magsasagawa ng dalawang linggo na drainage work ang Department of Public Works and Highways-North Manila District Engineering Office (DPWH-NMDEO) sa kahabaan ng northeast-east bound lane ng Loyola Street sa Maynila.
Sa social media post nitong Huwebes, inabisuhan ng DPWH ang mga motorista na simula ngayong araw, Biyernes na magiging mabagal ang trapiko sa mga apektadong lugar at gumamit ng alternatibong ruta.







