Home NATIONWIDE Risa nabahala sa nadakip ng puganteng POGO sa bahay ni Roque: ‘Kakaiba’

Risa nabahala sa nadakip ng puganteng POGO sa bahay ni Roque: ‘Kakaiba’

184
0

Lubhang ikinabahala ni Senador Risa Hontiveros ang pagkakadakip ng isang puganteng sangkot sa operasyon ng illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban, Tarlac sa tahanan mismo ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Inihayag ito ni Hontiveros matapos ibahagi sa pagdinig ng isang red notice ng International Criminal Police Organization’s (Interpol) laban kay Sun Liming, na pawang “fugitive wanted for prosecution.”

Nadakip si Liming sa mismong tahanan na pag-aari ni Roque sa Tuba, Benguet.

“Hindi lang basta-bastang Chinese ang nagtago sa sinasabing bahay ni Harry Roque. Itong si Sun Liming ay bigating pugante na nasa Red Notice ng Interpol,” ani Hontiveros sa statement.

“Kaya nakapagtataka na sa dami ng bahay sa Pilipinas kay Roque pa talaga napunta ang pugante. It appears this fugitive and Roque run in the same circles,” ani Hontiveros.

Sa nakaraang pagdinig, inamin ni Roque na kasosyo siya sa kompanya na nagmamay-ari sa isang residential house sa Tuba, Benguet na kung saan nadakip ang dalawang dayuhan na sangkot sa POGO.

Base sa impormasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, sinabi ni Hontiveros na nagsisilbi si Sun Liming served bilang IT manager ng Lucky South 99, ang nilusob na POGO firm sa Porac, Pampanga.

Ito rin ang kompanya na PHO na tinulungan ni Roque na umapela sa kanilang pagkakautang sa PAGCOR,” ayon kay Hontiveros.

Naunang inihayag ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco sa nakaraaang Senate hearing na sinamahan ni Roque ang isang Kassandra Li Ong, ang authorized representative ng Lucky South 99, sa pakikipagpulong nito noong July 2023 upang pag-usapan ang unpaid arrears and license reapplication ng naturang POGO firm.

Sinabi ni Roque na sinamahan niya si Ong dahil siya ang corporate secretary ng Whirlwind Corporation, na pawang kliyente niya. Ang Whirlwind ang lessor ngLucky South 99.

“Nakakabahala ang dami ng mga dayuhang kriminal na sa bansa dahil sa POGO (The number of foreign criminals in the country because of POGO is concerning). While a ban was already announced, we in the Senate need to craft measures to ensure that this industry never comes back again,” ani Hontiveros. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here