Home NATIONWIDE 870 toneladang basura nakolekta matapos manalasa ni Carina – MMDA

870 toneladang basura nakolekta matapos manalasa ni Carina – MMDA

130
0

MANILA, Philippines – Nasa 870 tonelada ng basura ang nakolekta sa National Capital Region (NCR) kasunod ng pananalasa ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ng Super Typhoon Carina, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Romando Artes ngayogn Sabado na ito ang dami ng nakolektang basura mula Hulyo 24 hanggang Hulyo 31 lamang.

Maraming kalapit na bayan sa Metro Manila ang binaha noong Miyerkules noong nakaraang linggo nang bumuhos ang walang humpay na pag-ulan sa kapitolyo ng Pilipinas, na nagdulot ng pag-apaw sa mga sapa, ilog, at drainage system.

Isinailalim sa state of calamity ang Metro Manila, kasama ang mga kalapit na probinsya.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation of Address (SONA), iniulat ni Pangulong Ferdinanad Marcos Jr. na mahigit 5,000 proyekto sa pagkontrol sa baha ang natapos.

Sa kinahinatnan nina Carina at Habagat, ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ginisa ng mga mambabatas hinggil sa bisa ng mga flood control projects at paggamit ng inilaan na pondo ng gobyerno.

Inamin naman ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan nitong Huwebes sa pagdinig ng Senado ang kawalan ng national flood control masterplan sa bansa.

Sinabi rin kamakailan ni Bonoan na 70% ng internal drainage system ng Metro Manila ay hinaharangan ng basura at banlik, na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa gitna ng Habagat at Carina.

Samantala, kasalukuyang nakikipagtulungan ang MMDA sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at iba pang sektor para mangolekta ng basura sa Barangay Tinajeros sa Lungsod ng Malabon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here