Home HOME BANNER STORY Deliberasyon sa P6.352 trilyong budget sinimulan na ng Kamara

Deliberasyon sa P6.352 trilyong budget sinimulan na ng Kamara

105
0

Sinimulan na ng House of Representatives ang pagtalakay sa P6.352 Trillion proposed national budget kung saan tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na ang 2025 budget ay nakatuon sa economic growth at pakikinabangan ng lahat ng mga Filipino.

“Malinaw ang direksyon ng budget natin sa taong 2025. Siguruhin ang patuloy na pag-angat at paglakas ng ekonomiya. Tiyakin na makikinabang ang lahat ng Pilipino sa pag-unlad na ito. Patibayin ang mabuting pamamahala para sa kabutihan ng lahat,” pahayag ni Romualdez sa pagsisimula ng budget hearing.

“Aanhin natn ang pag-unlad kung hindi naman makikinabang ang ordinaryong Pilipino? Para saan ang magandang numero ng ekonomiya kung hindi ito mararamdaman ng mahihirap nating kababayan?” dagdag pa nito.

Sinabi ni Romualdez na palalakasin ng budget ang essential services upang masiguro na maibabalik sa mga Pilipino ang buwis na nakokolekta.

“Malinaw ang misyon natin sa pag-aaaral ng 2025 budget. Ibabalik nating lahat sa mga Pilipino ang buwis na nakolekta sa pamamagitan ng mga programa at proyektong may pakinabang sila. Tityakin natin na ang serbisyo ng gobyerno ay para sa lahat. Sabay-sabay ang pag-angat. Walang mahuhuli. Walang maiiwan,” giit pa nito.

Bulto ng budget ay sa edukasyon na may alokasyon na P977.6 billion, sinundan ng public works na may P900 billion, health, P297.6 billion, interior and local government na may P278.4 billion, defense na may budget naP256.1 billion, social welfare na nasa P230.1 billion, agriculture na P211.3 billion, transportation na P180.9 billion, judiciary na P63.6 billion at Department of Justice na may panukalang P40.6 billion.

“We must ensure that every peso is judiciously allocated and spent, and will go to programs that greatly benefit the Filipino people. Bawat piso, may kaakibat na programa at proyekto. Bawat piso, tiyak na may pakinabang sa lahat ng Pilipino,” dagdag pa nito

Unang sumalang sa hearing ang economic managers kabilang sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Ralph Recto, Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority, at Governor Eli Remolona Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here