Home METRO Sunog sumilab sa building sa Makati

Sunog sumilab sa building sa Makati

175
0

MAKATI, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang 38-palapag na gusali sa Makati City ngayong Lunes ng umaga at tuluyang naapula makalipas ang mahigit dalawang oras.

Nagsimula ang sunog pasado alas-5 ng umaga sa 29th floor ng Burgundy Corporate Tower na matatagpuan sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue.

Idineklara ni Bureau of Fire Protection (BFP) Makati Fire Senior Inspector Eduardo Labrador ang “fire out” alas-7:52 ng umaga.

Tatlong indibidwal ang nabigyan ng pangunang lunas dahil sa paglanghap ng usok.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here