Home ENTERTAINMENT Angelu, unaasang makakausap si Clau!

Angelu, unaasang makakausap si Clau!

Manila, Philippines- Nang maging bisita si Claudine Barretto sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christpher Roxas ay tinanong siya ng una sa stage kung game na ba siya sa reunion project nila with Angelu de Leon and Judy Ann Santos.

Ang sagot ni Claudine, “No, no, no. Hindi! Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Pero sa isang panayam, sinabi ni Claudine na nagsisisi siya kung bakit nabanggit niya na ayaw niyang makasama si Angelu sa isang pelikula.

Sey ni Claudine sa panayam ni Ogie Diaz, “Alam mo, nagsisisi ako sa ginawa ko. At tina-try ko talaga na i-contact (si Angelu).”
Nagpakatotoo lang daw siya nang sinabi niyang ayaw niyang maka-work uli si Angelu dahil ilang beses na rin daw niya itong pinakiusapan, “please stop talking about my life especially when you’re not asked.”

Sumama raw talaga ang loob niya kay Angelu pero naniniwala siya na magkakaayos din sila, “Alam kong in the days to come, alam kong tatawagan ko rin siya.”

“Mali ko ‘yun pero in truth talaga, I don’t think talaga tama na magkasama kami. ‘Yun ang feeling ko ngayon, ha? Iba kasi pag nakausap ko na. ’Yung galit, wala akong galit. Ayoko lang,” sabi pa ni Claudine.

Sa guesting ni Angelu sa Fast Talk with Boy Abunda ay natanong siya tungkol sa controversial issue sa pagitan nila ni Claudine.

“There was this issue, Clau spoke about not wanting to work with you for some reason. And then there’s another declaration that she said she regretted it.

“I hope my narrative is correct. But she was trying to reach out to you,” ang tanong sa kanya ni Kuya Boy.

Sundot pa niya, “Kayo ba’y nagkausap na? Kayo ba’y nagkaayos na?”

Maikling tugon ni Angelu, “Wala pang pagkakataon pero umaasa pa rin ako na darating ‘yung panahon na ‘yon.”

Well, sana nga ay magkaayos na sina Claudine at Angelu. Rommel Placente