Home OPINION CARGO SHIP GAMIT SA PAIHI BUSINESS?

CARGO SHIP GAMIT SA PAIHI BUSINESS?

232
0

MATINDING problema ang kinakaharap ngayon ng gobyerno dahil sa oil spill sa Manila Bay na idinulot ng tatlong cargo ship na lumubog sa kasagsagan ng habagat na sinabayan ng bagyong Carina.

Ang langis na tumagas sa mga lumubog na barko ay umabot na sa baybayin ng Cavite, Bataan, Bulacan at Metro Manila na labis na ikinababahala ng environmental groups.

Dahil sa masamang epekto ng oil spill ay nagbabala na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na iwasang kumain ng mga produktong dagat na galing sa Manila Bay.

Dahil din sa oil spillage ay nagbanta si  Justice Secretary Boying Remulla na magsasampa ang pamahalaan ng class suit laban sa mga ship owner dahil  nawalan  ng trabaho’t pagpakitaan ang mga mangingisda.

Tulad ng mga nakaraang oil slick na inimbestigahan, itong pangyayari sa Manila bay ay dapat ding isailalim sa pagsisiyasat para malaman ang katotohanan sa likod ng naganap na trahedya.

May ulat kasing isa sa lumubog na cargo ship – ang M/V Mirola 1 ay  nagagamit sa operasyon ng paihi  na kilala rin sa tawag na patulo, buriki, paawas at pasingaw ng isang oil theft gang.

Katunayan, ang naturang barko ay subject ng raid na isinagawa ng Philippine Coast Guard noong Enero 2023 dahil ginagamit umano itong cargo ship para sa nakaw na petroleum products.

Labing walong katao na naaktuhang inililipat, ninanakaw ang lamang diesel ng nasabing barko na diesel sa tatlong malalaking motorized banca ang dinakip ng PCG raiders.

Sinabi naman ng Philippine Ports Authority na ang  M/V Mirola 1 ay unregistered umano, walang record sa ahensya pero malayang nakabibiyahe sa karagatan, nakalulusot daw sa PCG, Philippine Navy at Maritime Police.

Tiyak na may misteryong bumabalot  sa M/V Mirola 1 na kailangang tuklasin, hindi ng government investigating bodies kundi ng Senate at Congress inquiries para masigurong lumabas ang katotohanan.

Tip sa Chokepoint ng isang PCG insider na dapat silipin ng mga senador at kongresista, ang naturang cargo ship ay ginagamit sa loading and unloading ng smuggled petro products mula sa Batangas at Bataan.

Mula sa lugar kung saan kinuha ay bibiyahe sa karagatan ang M/V Mirola 1 at sa laot ay ididiskarga ang laman na diesel o gasolina sa mga motorized banca na magdadala naman sa nag-aantay na tankers sa mga daungan, paniniyak ng source.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here