Home OPINION CARLOS YULO, SALUDO!; MAG-INGAT SA ABROAD

CARLOS YULO, SALUDO!; MAG-INGAT SA ABROAD

179
0

MAGSASALUDO muna tayo kay Carlos Yulo, ang gymnast champion natin sa 2024 Parish Olympics.

Muling sumirit ang ngalan ng Pinas sa olimpiada sa pagkakaroon natin ng isang Carlos Yulo na mag-uuwi ng kanyang gintong medalya laban sa mga champion mula sa pitong bansa.

Mula sa Aurora A. Elementary School at Adamson University para sa kanyang elementarya at high school, nagtapos ito ng associate in literature nitong 2022 sa Teikyo University, Japan.

Para sa kanyang mga guro at coach, lalo ang mga nakadiskubre sa kakayahan niya, gaya ng lolo niyang si Rodrigo Frisco upang ma-enrol siya sa Gymnastics Association of the Philippines, congrats!

Pero siyempre, ang kanyang mga magulang na sina Mark Andrew at Angelica Yulo, aba, abot langit ang karangalan para sa inyo.

Sana makatapos din nang buo pang kurso sa kolehiyo si Carlos at magamit niya sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid ang napanalunan niyang kaunting halaga.

At mapalago nito ang nasabing mga napanalunan.

Alalahaning maraming atleta ang kumita ng malalaking halaga ngunit apurdoy sila sa kalaunan sa hindi maayos na pagpapahalaga sa ibinigay sa kanila ng kasaysayan at ng Diyos para sa kanilang kinabukasan.

Saludo sa iyo, Carlos Yulo!

NAKAKAKABANG KALAGAYAN

Gaaano na ba kahanda ang pamahalaang Marcos para protektahan o iligtas ang mga Pinoy na nasa ibang bansa sa mga panganib na nakaamba sa kanila?

Sa Bangladesh, makaraang magpahinga ang bansang ito sa mga rally na ikinamatay ng 200 katao sa nakaraang ilang linggo, muling sumiklab ang mga rally.

Nitong Linggo, nasa 90 ang namatay sa rally ng mga kontra gobyerno na nagnanais na patalsikin sa pwesto si Prime Minister Sheikh Hasina to resign.

Nagsimula ang kaguluhan sa pagpulitika ng gobyerno sa masasabaw na empleyo sa gobyerno at pinaburan lang ang iilan, kasama ang mga angkan ng mga beterano sa pambansang kalayaan nila mula sa Pakistan.

Ngayon naman, mga Bro, may ilang daang Pinoy sa Bangladesh na maaaring nanganganib.

Ang India, naglabas na ng babala na mag-ingat ang kanilang mga mamamayan sa kaguluhan.

Sana, ganito na rin ang ginagawa ng ating pamahalaan.

SA MIDDLE EAST

Sa ngayon, nangunguna ang United States, France at United Kingdom sa pagpapaalis ng kanilang mga mamamayan sa Lebanon.

Ito’y dahil sa banta ng Iran na gaganti ito sa pagpatay ng Israel sa Hamas leader na si Ismail Haniyeh habang gaganti rin ang Hezbollah sa pinatay rin ng Israel na top military commander nito na si Fua Shukr sa mismong capital city ng Lebanon na Beirut.

 Nagpadala na ang US ng mga barkong pandigma para sumuporta sa Israel sakali ngang sisiklab ang giyera sa lugar na maaaring kasasangkutan sa kabuuan ng Iran, Lebanon, Israel, Syria at Iraq.

Daang libo ang mga OFW sa nasabing mga bansa kaya malaking usapin ito.

Nasaan na ang mga aksyon ng gobyernong Marcos para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa mga nasabing bansa mula sa posibleng giyera?  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here