Ang Southwest Monsoon o Habagat ay magdadala ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas sa Martes, iniulat ng PAGASA.
Ang Metro Manila, Kanlurang Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon na may flash flood o landslide na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng Visayas, Bicol Region, ang nalalabing bahagi ng Mimaropa, at ang nalalabing bahagi ng Calabarzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot din ng Southwest Monsoon na may posibilidad ng flash flood o landslides na magaganap sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized na thunderstorm. Ang mga flash flood o pagguho ng lupa ay maaaring mangyari sa panahon ng matinding bagyo.
Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na tinatayang nasa 3 a.m. sa layong 835 kilometro silangan hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon.
Sinabi ng weather bureau na hindi makakaapekto ang LPA sa bansa.
Ang pagtataya ng bilis ng hangin para sa Hilagang Luzon ay mahina hanggang sa katamtaman na kumikilos sa timog-kanluran hanggang kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin na kumikilos sa timog hanggang timog-kanluran na direksyon na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin. RNT