Huling natapos si Lauren Hoffman sa Heat 3 ng repechage round ng women’s 400m hurdles, na nagtapos sa kanyang kampanya sa 2024 Paris Olympics athletics competitions sa Stade de Paris.
Si Hoffman ay nagtala ng 58.28 segundo upang puwesto sa ikawalo sa ikatlo at huling heat, habang tumapos sa ika-20 sa 21 hurdlers sa repechage round.
Ang nangungunang dalawang finishers sa bawat isa sa tatlong heat sa repechage ay umabante sa semifinals.
Nalagay si Hoffman na ika-37 sa 39 na manlalaro sa Round 1 na may oras na 57.84 segundo sa Heat 1.
Samantala, si John Cabang Tolentino ay mukhang umabante sa semifinals sa pamamagitan ng repechage sa men’s 110m hurdles.
Nag-time si Tolentino ng 13.66 segundo para tumapos sa ikaanim sa Heat 1 para mai-relegate sa repechage round.