Manila, Philippines – Isa sa mga aabangang teleserye under Star Creatives ang pagsasamahan nina Richard Guttierez, Ian Veneracion, Daniel Padilla at Baron Geisler.
To further spice it up, tila sinadyang isahog doon si Barbie Imperial.
As we all know, hot item sina Chard at Barbie.
Baka ang rumored romance nila ang gustong i-capitalize ng produksyon to ensure a pre-sold show.
Tamang-tama namang umaayon ang tadhana dahil kalat na as in viral ngayon ang TikTok video na pinalalabas na huli sa camera ang halikan nina Richard at Barbie sa isanv beach sa Dubai, UAE.
Pero teka, there’s something in the video na mahirap paniwalaan.
Kung pakakatitigan kasi ang video, medyo ang babaeng kahalikan daw ni Richard ay kamukha lang ni Barbie.
Definitely, hindi si Barbie ang kaeskrimahan ng dila ng lalaki.
Also, pag zinoom in din ang image ng guy, kahit sa malayuan ay nakatalikod ito.
No face reveal at all.
To top it all, maitatanong mo kung recently ba’y lumabas ng bansa sina Richard at Barbie?
Eh, ang most recent sightings sa kanila was Barbie’s visit at the wake of Richard’s sister-in-law.
Richard was last seen at Barbie’s birthday party na kamakallan lang din.
So, obyus na ‘yung mga naghahalikan sa Dubai beach caught on video ay mga “doppelgangers” lang nina Richard at Barbie! Ronnie Carrasco III