MANILA, Philippines – Patay ang isang bumbero sa sunog na naganap sa Pagbilao, Quezon nitong Martes, Agosto 6.
Kinilala ng Pagbilao Fire Station ang nasawing tauhan na si Fire Officer 1 Marlon Atis, 25.
“Firefighters never die, they just burn forever, in the hearts of the people they saved. Firefighters save more than homes. They save hearts, memories, and dreams,” saad sa memorial ng Pagbilao fire station na inilabas sa social media.
“You will never be forgotten, our dearest brother. Our snappy salute, sir.”
Sa ulat, nangyari ang sunog alas-5 ng umaga ng nasabing araw sa Pornobi Street sa Barangay Sta. Catalina.
Ayon sa pulisya, nakuryente umano si Atis ng “melted live wire.”
Isinugod pa sa MMG Hospital ang bumbero ngunit namatay habang ginagamot.
Samantala, natupok ng apoy ang isang food stall at sari-sari store. Aabot sa P100,000 ang halaga ng pinsala. RNT/JGC