MANILA, Philippines – Bumaba ng 3.3 percent ang agricultural output sa ikalawang quarter ng 2024 dahil sa pagbaba ng halaga ng crops at livestock production, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nitong Miyerkules, Agosto 7.
Sa ulat, sinabi ng PSA na ang halaga ng produksyon sa agriculture at fisheries ay bumaba sa P413.91 billion mula sa P427.69 billion noong nakaraang taon.
Ang crop production ay bumaba sa P220.04 bilyon, o 8% na mas mababa kumpara sa ikalawang quarter noong 2023.
Sinabi ng PSA na nakapagtala rin ng pagbaba sa nasabing period ang palay at corn production.
Nakapagtala rin ng 0.3 percent na pagbaba sa halaga ng produksyon ang livestock, o P63.33 bilyon.
Sa kabila nito, lumago naman ang produksyon sa poultry at fisheries sa P70.15 billion at P60.40 billion sa ikalawang quarter ng 2024. RNT/JGC