Home NATIONWIDE Jowa binaril sa mukha ng kasintahang parak

Jowa binaril sa mukha ng kasintahang parak

222
0

MANILA, Philippines – Binaril sa mukha ng isang bagitong pulis ang kanyang kasintahan na kanyang kainuman sa Davao City,

Base sa imbestigasyon, nangyari ang krimen habang nag-iinuman ang magkarelasyon at nagkaroon ng pagtatalo dulot ng selos.

Kinuha umano ng suspek na miyembro ng Mandug Police Station ang kanyang baril at binaril sa mukha ang biktima.

Dead on the spot ang biktima.

“Noong una, nag-inuman sila. Palagay natin na parang okay pa. Pero noong under the influence na sila ng alak, doon na nagtalo at doon narinig ng witness na may pagseselos at pagtatalo,” ani Davao City Police Office spokesperson Police Captain Hazel Tuazon.

Narekober ng mga awtoridad ang isang basyo ng baril at bala.

Agad namang sumuko sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

Sinabi ng Davao City Police Office na hindi nito kukunsintihin ang mga ganitong insidente na kinasasangkutan ng kanilang mga opisyal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here