Home HOME BANNER STORY Lobo, Batangas nagdeklara ng state of calamity sa ASF

Lobo, Batangas nagdeklara ng state of calamity sa ASF

MANILA, Philippines – Idineklara ang state of calamity sa Lobo, Batangas dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Base sa ulat, 17 sa 26 na barangay sa Lobo ang nag-ulat ng mga kaso ng ASF sa mga piggery.

Humihingi na ngayon ng tulong sa gobyerno ang mga hog raisers dahil sa banta ng ASF ay nagresulta sa P103 milyong halaga ng pinsala.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na dalawa pang bayan sa Batangas ang apektado ng outbreak.

“We will do checkpoints in coordination with the PNP, LGU, and the Armed Forces para hindi makalabas yung infected na baboy. So magsasagawa kami ng mass testing ng baboy. Lahat ng baboy na nag-test ng negative ay ilalabas natin ng Batangas,” ani Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr.

Tiniyak ng DA chief na ligtas kainin ang ASF-infected na baboy basta’t ito ay luto.

Sinabi rin ng DA na posibleng nagmula ang sakit sa mga infected na baboy na dati ay nakabaon ngunit lumutang sa itaas dahil sa pagbaha. RNT