Home NATIONWIDE Bayan sa Batangas inilagay sa state of calamity sa ASF

Bayan sa Batangas inilagay sa state of calamity sa ASF

140
0

MANILA, Philippines – Idineklara na ang state of calamity sa Lobo, Batangas dahil sa pagkalat ng African swine fever (ASF) at sa epekto nito sa local hog industry.

Ipinasa ang resolusyon ng konseho nitong Agosto 6, na nagpapakitang 16 sa 26 na barangay ang nakapagtala ng mga kaso ng swine fever, at ang kabuuang animal deaths ay pumalo sa 8,818 hanggang noong Hulyo 31.

Sa resolusyon, sinabi na ang outbreak “has immensely affected the livelihood of thousands of hog growers or raisers whose daily income relies on the hog-raising and meat-selling market,” at ang pagkalugi ay umabot na sa P103,338,000.

Magbibigay-daan ang deklarasyon sa local na pamahalaan na gamitin ang calamity funds para magpaabot ng tulong sa local hog raisers.

Wala pang bakuna para sa naturang sakit, ayon sa National Meat Inspection Service.

Karaniwang namamatay sa loob ng dalawa hanggang 10 araw ang baboy na tinamaan ng ASF at ang animal mortality rate ay umaabot ng hanggang 100 percent. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here